Martes, Oktubre 25, 2016
Regine Sampani
ABM2
"Ang kagandahan ng isang tao ay makikita mo sa paggising niya sa umaga. Walang kolorete, pulbos o mga pampaganda ang nakalagay sa kanyang pagmumukha. Hindi pa dumadaloy sa kanyang buong pagkatao ang mga problemang kanyang tatahikin subalit makikita mo ang malambing niyang mukha na handa na namang lumaban sa mga pagsubok niya sa buhay."
Toni Rhys Arguelles
ABM2
"Ang kagandahan ng isang tao ay makikita sa kung paano niya dalhin ang sarili niya sa pangaraw-araw na buhay niya at sa kung paano siya makitungo sa kapwa niya."
Daisy Mae Pamaranco
ABM2
"Ang kagandahan ay hindi lang nakabasi sa panlabas na anyo ng isang tao kundi sa panloob nito. Dahil ang tunay na ganda ay ang pagiging totoo mo sa iyong sarili, hindi ang pagpapanggap para magustuhan ng iba o kapwa."
Ann Concepcion
ABM2
"Para sa akin, ang kagandahan ay nakikita sa kalooban ng isang tao na sinisimbolo ng isang purong ngiti na masisilayan sa kanyang mukha at mga mata."
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento