Huwebes, Oktubre 27, 2016
Maria Olga C. Nalam
ABM2
"Para sa akin ang kagandahan ay hindi lamang nakikita o nagsisimula sa panlabas na katayuan, mukha at estado kundi ang kagandahan ay nagsimula sa kaloob-looban na kung saan ay marunong kang rumespeto hindi lamang sa sarili mo kundi pati na rin sa ibang tao, may maganda kang kalooban, marunong kang gumalang sa mga mas nakakatanda sayo at sa pagmamahal sa sarili mo."
Danica Cinco
ABM2
"Para sa akin ang kagandahan ay makikita sa puso, budhi o kalooan ng isang tao at hindi ito makikita sa panlabas na anyo."
Marj Jules Juntilla
ABM2
"Para sa akin, ang tunay na kagandahan ay hindi lamang umiikot sa panlabas na anyo, kasali sa basehan ang panloob o ang tunay na pagkatao ng isang tao. Iyong tipong na kailangan ng make-up o magarang damit upang magustuhan ka ng ibang tao dahil batid nila ang kabutihang nananalaytay sa iyong puso."
Charlotte Loro
ABM2
"Ang kagandahan ay taglay nating lahat. Hindi lang sa panlabas nakabatay ang kagandahan kundi pati narin sa kalooban ng isang tao. Tayong lahat ay nilikha ng Diyos na natatangi. Kaya naman, magkaiba man ang ating anyo, pareho pa rin tayong maganda sa mata ng Panginoon."
Kristine Braganza
ABM2
"Para sa akin ang tunay na kagandahan ay hindi lang makikita sa labas na kalooban kung hindi sa loob na kalooban din."
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento