Lunes, Oktubre 31, 2016
Huwebes, Oktubre 27, 2016
Maria Olga C. Nalam
ABM2
"Para sa akin ang kagandahan ay hindi lamang nakikita o nagsisimula sa panlabas na katayuan, mukha at estado kundi ang kagandahan ay nagsimula sa kaloob-looban na kung saan ay marunong kang rumespeto hindi lamang sa sarili mo kundi pati na rin sa ibang tao, may maganda kang kalooban, marunong kang gumalang sa mga mas nakakatanda sayo at sa pagmamahal sa sarili mo."
Danica Cinco
ABM2
"Para sa akin ang kagandahan ay makikita sa puso, budhi o kalooan ng isang tao at hindi ito makikita sa panlabas na anyo."
Marj Jules Juntilla
ABM2
"Para sa akin, ang tunay na kagandahan ay hindi lamang umiikot sa panlabas na anyo, kasali sa basehan ang panloob o ang tunay na pagkatao ng isang tao. Iyong tipong na kailangan ng make-up o magarang damit upang magustuhan ka ng ibang tao dahil batid nila ang kabutihang nananalaytay sa iyong puso."
Charlotte Loro
ABM2
"Ang kagandahan ay taglay nating lahat. Hindi lang sa panlabas nakabatay ang kagandahan kundi pati narin sa kalooban ng isang tao. Tayong lahat ay nilikha ng Diyos na natatangi. Kaya naman, magkaiba man ang ating anyo, pareho pa rin tayong maganda sa mata ng Panginoon."
Kristine Braganza
ABM2
"Para sa akin ang tunay na kagandahan ay hindi lang makikita sa labas na kalooban kung hindi sa loob na kalooban din."
Martes, Oktubre 25, 2016
Jushua Bulahan
ABM2
"Para sa akin ang kagandahan ay hindi lang sa panlabas na anyo ay kundi kung ano ang na sa kaibuturan ng puso mo, kung mabait, masunurin at higit sa lahat di nang-aapi sa iyong kapwa, yan ang kagandahan para sa akin."
Mica Morallos
ABM2
"Pagkakaroon ng mabuting pag-uugali at pagtitiwala sa sarili ay masasabi kong tunay na kagandahan."
Divine Grace Cabanal
ABM2
"Ang kagandahan ay hindi lang patungkol sa kaakit-akit na panlabas na anyo ng isang tao. Ang kagandahan ay tungkol sa kagandahang loob at pagkakaroon ng mabuting puso ng isang indibidwal. Ang kagandahan ay ang pagigin ikaw. Hindi mo kailangang tanggapin ka ng ibang tao. Ang kailangan mo ay ang pagtanggap sa iyong sarili bilang ikaw, dahil ang tunay na depinisyon ng kagandahan ay ikaw lang ang makakapagsabi."
Lady Mae Salazar
ABM2
"Ang tunay na kagandahan ay wala sa panlabas na kaanyuan kundi sa kagandahang panloob."
Regine Sampani
ABM2
"Ang kagandahan ng isang tao ay makikita mo sa paggising niya sa umaga. Walang kolorete, pulbos o mga pampaganda ang nakalagay sa kanyang pagmumukha. Hindi pa dumadaloy sa kanyang buong pagkatao ang mga problemang kanyang tatahikin subalit makikita mo ang malambing niyang mukha na handa na namang lumaban sa mga pagsubok niya sa buhay."
Toni Rhys Arguelles
ABM2
"Ang kagandahan ng isang tao ay makikita sa kung paano niya dalhin ang sarili niya sa pangaraw-araw na buhay niya at sa kung paano siya makitungo sa kapwa niya."
Daisy Mae Pamaranco
ABM2
"Ang kagandahan ay hindi lang nakabasi sa panlabas na anyo ng isang tao kundi sa panloob nito. Dahil ang tunay na ganda ay ang pagiging totoo mo sa iyong sarili, hindi ang pagpapanggap para magustuhan ng iba o kapwa."
Ann Concepcion
ABM2
"Para sa akin, ang kagandahan ay nakikita sa kalooban ng isang tao na sinisimbolo ng isang purong ngiti na masisilayan sa kanyang mukha at mga mata."
Cen Hera Ada Lagumbay
ABM2
"Para sa akin, ang kagandahan ay ang pagkakaroon ng maaalahanin, mapag-unawa at higit sa lahat, mapagmahal na puso. Ito rin ay ang pagiging kontento, mapagpasalamat at pagiging masaya sa ano mang bagay na mayroon ka."
Maridelle Cadutdut
ABM2
"Ang pagiging maganda ay hindi nakikita sa pisikal na anyo, kundi sa panloob na anyo."
May Anne Logo
ABM2
"Ang kagandahan ay hindi lamang sa panlabas na kaanyuan kundi makikita rin sa tunay na pagkatao ng isang tao."
Shaina Magadan
ABM2
"Ang kagandahan ay hindi nakikita sa labas na kaanyuan, hindi sa mapupulang labi o sa makulay na mukha. Ang kagandahan ay nasa ugali, sa puso, kung paano ka makitungo sa ibang tao."
Joshua Zabala
ABM2
"Ang kagandahan ay may maraming sukatan. Ang ibang tao ay ang panlabas na kagandahan lamang pinapansin at tinitingnan. Pero para sa akin ang tunay na kagandahan ay nasa kagandahan ng ugali at kabutihan ng loob. Ang tunay na maganda ay may mabuting mithiin. Yan lamang po."
Huwebes, Oktubre 20, 2016
Kagandahan (Picture without Filter) Arianne M. Senoy
Chat Conversation End
Ang Kagandahan ay wala sa panlabas na anyo, nasa puso. #ArianneMSenoy #ABM2 -October 20, 2016
Biyernes, Setyembre 30, 2016
Pangkat 4- Tesis
Setyembre 28, 2016
Mga Miyembro:
Akiatan - Absent
Sampani - Nagbigay ng mga datos
Tiongson -Nagdala ng laptop
Lagumbay - Nagbigay ng mga datos
Leader : Toni Rhys Arguelles
Dahil mayroon na kaming nakalap na impormasyon, bagama't kulang pa, sinimulan na naming buuin ang Kabanata I. Tumulong naman ang lahat ng kagrupo maliban kay Akiatan na absent noong araw na iyon.
Setyembre 29, 2016
Kumpleto na kaming lahat. Nagpunta kami sa library upang simulan na ang tesis.
Akiatan - Humanap ng mga resources sa library
Tiongson - Humanap rin ng mga resources sa library, nagdala ng laptop
Sampani - Sinimulan na ang paggawa sa " Paglalahad ng Suliranin"
Lagumbay - Ginawa ang "Sanligan ng Pag-aaral" sa tulong na rin ng ibang miyembro.
Sa kasalukuyan, malapit na naming matapos ang mga naunang parte ng kabanata I. Nagkaroon lang kami ng hirap sa pag-translate ng English papuntang Filipino. Pero naging malaking tulong rin naman ang mga FS Students na nagbantay sa amin noong araw na iyon. Maraming salamat po.
Huwebes, Setyembre 29, 2016
Setyembre 29, 2016
Pangkat 9
Lider: Juntilla, Marj Jules Lorain
Mga miyembro
Cabanal, Divine Grace
Calcaben, Junalyn
Responso, Genshel
Cinco, Danica Jane
Sa araw na ito ay nagpunta kami sa silid-aklatan. Doon namin pinagsama-sama ang aming nakalap na mga impormasyon. Sa kasamaang palad sina Bb. Responso at Bb. Cinco ay nakalimutang mag-research ng mga gawain na na-assign sa kanila kaya't pinagsabihan ko ang dalawa. Nangako naman sila na ibibigay nila sa susunod na araw. Nakapagsimula naman na kami sa aming tesis.
arawang report sa tesis
Pangkat 1.
Lider: Jonna mae Canillo
Mga Myembro:
Krisdan Levi Danduan
Mayvill May Sing
Trisha Faye Flores
Shaina Marie Magadan
September 28, 2016
inatas ng lider ang mga gawain sa bawat kasapi ng grupo.
September 29, 2016
nagsimula na kaming gumawa ng tesis ngunit may ibang miyembro na walang ginawa o nakadepende lamang sa ibang miyembro. si Flores at Sing ay nagsimula ng mangalap ng ibang mga impormasyon para sa aming tesis. nakita ko si Magadan at ang lider namin na si Canillo na walang ginagawa sa library kaya ako, si Krisdan Levi Danduan ay ang siyang gumawa ng report na ito at nagsimula na rin akong gumawa at mag type para masimulan na ang aming tesis. yun lamang po sa ngayon.
September 28, 2016
Pangkat 2
Lider: Cadutdut, Maridelle - Nag oorganisa ng mga detalye
Mga Miyembro:
Guitones, Arjane Trisha Marie - nagbahagi ng ideya
Viernes, Alain Christian - nagsaliksik
Pamaranco, Daisy - nagbahagi ng ideya
Cabrera, Irish - nagsaliksik
September 29, 2016
Pangkat 2
Lider: Cadutdut, Maridelle - nagbahagi ng ideya
Mga Miyembro:
Guitones, Arjane Trisha Marie - nagbahagi ng ideya
Viernes, Alain Christian - nagbahagi ng ideya
Pamaranco, Daisy - Nag oorganisa ng mga detalye
Cabrera, Irish - nagtayp sa mga isinaliksik
September 28, 2016
Pangkat 3
Lider: Logo, May Anne C. - Nag-oorganisa ng mga detalye
Mga Miyembro: at Mga Naatasang Gawain:
Allosada, Rhealyn - Tumulong sa pananaliksik
Bautista, Miles - Nagbahagi ng ideya
Concepcion, Ann - Nagtayp ng mga isinaliksik
Morallos, Mica - Nagbahagi ng ideya
September 29, 2016
Pangkat 3
Lider: Logo, May Anne - Sinimulan ang paggawa ng Sanligan ng Pag-aaral
Mga Miyembro: at Mga Naatasang Gawain
Allosada, Rhealyn - Sinimulan ang paggawa ng Paglalahad ng Suliranin
Bautista, Miles - Nagbahagi ng ideya
Concepcion, Ann - Tinapos ang paggawa ng Paglalahad ng Suliranin
Morallos, Mica - Tumulong sa paggawa ng Sanligan ng Pag-aaral
Miyerkules, Setyembre 28, 2016
September 28-29, 2016
Pangkat 8
Lider: Velez, Christine Mary
Miyembro:
Crisostomo, Kristine Joy
Cortado, Diane- Excuse
Bulahan, Jushua
Zabala, Joshua
Sa araw na ito sinimulan namin ang pananaliksik tungkol sa aming thisis. Ang pamagat ay "Online chatting nausong ligawan ngayon." Gumawa kami nang panimula.
Maine Mendoza ang babaeng sumikat sa youtube
Lider- Toni Rhys Arguelles
Akiatan- Absent
Sampani
Tiongson
Noong
nakaraang linggo, inatasan ko ang aking grupo na magbigay ng kanilang
na-research tungkol sa aming topic. Ngayong araw na ito, dahil apat lang kami
sa aming pangkat, kami na lang muna ang nagbasa ng research namin isa-isa.
Doon, nagkuha kami ng mahalagang ideya na sa tingin naming ay makatutulong sa
aming research. Ngunit dahil hindi kami nakapagdala ng laptop, ipinagpaliban
muna namin ang pagtatype ng mga ideya namin sa word para bukas.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)