ABM2
Lunes, Oktubre 31, 2016
Huwebes, Oktubre 27, 2016
Maria Olga C. Nalam
ABM2
"Para sa akin ang kagandahan ay hindi lamang nakikita o nagsisimula sa panlabas na katayuan, mukha at estado kundi ang kagandahan ay nagsimula sa kaloob-looban na kung saan ay marunong kang rumespeto hindi lamang sa sarili mo kundi pati na rin sa ibang tao, may maganda kang kalooban, marunong kang gumalang sa mga mas nakakatanda sayo at sa pagmamahal sa sarili mo."
Danica Cinco
ABM2
"Para sa akin ang kagandahan ay makikita sa puso, budhi o kalooan ng isang tao at hindi ito makikita sa panlabas na anyo."
Marj Jules Juntilla
ABM2
"Para sa akin, ang tunay na kagandahan ay hindi lamang umiikot sa panlabas na anyo, kasali sa basehan ang panloob o ang tunay na pagkatao ng isang tao. Iyong tipong na kailangan ng make-up o magarang damit upang magustuhan ka ng ibang tao dahil batid nila ang kabutihang nananalaytay sa iyong puso."
Charlotte Loro
ABM2
"Ang kagandahan ay taglay nating lahat. Hindi lang sa panlabas nakabatay ang kagandahan kundi pati narin sa kalooban ng isang tao. Tayong lahat ay nilikha ng Diyos na natatangi. Kaya naman, magkaiba man ang ating anyo, pareho pa rin tayong maganda sa mata ng Panginoon."
Kristine Braganza
ABM2
"Para sa akin ang tunay na kagandahan ay hindi lang makikita sa labas na kalooban kung hindi sa loob na kalooban din."
Martes, Oktubre 25, 2016
Jushua Bulahan
ABM2
"Para sa akin ang kagandahan ay hindi lang sa panlabas na anyo ay kundi kung ano ang na sa kaibuturan ng puso mo, kung mabait, masunurin at higit sa lahat di nang-aapi sa iyong kapwa, yan ang kagandahan para sa akin."
Mica Morallos
ABM2
"Pagkakaroon ng mabuting pag-uugali at pagtitiwala sa sarili ay masasabi kong tunay na kagandahan."
Divine Grace Cabanal
ABM2
"Ang kagandahan ay hindi lang patungkol sa kaakit-akit na panlabas na anyo ng isang tao. Ang kagandahan ay tungkol sa kagandahang loob at pagkakaroon ng mabuting puso ng isang indibidwal. Ang kagandahan ay ang pagigin ikaw. Hindi mo kailangang tanggapin ka ng ibang tao. Ang kailangan mo ay ang pagtanggap sa iyong sarili bilang ikaw, dahil ang tunay na depinisyon ng kagandahan ay ikaw lang ang makakapagsabi."
Lady Mae Salazar
ABM2
"Ang tunay na kagandahan ay wala sa panlabas na kaanyuan kundi sa kagandahang panloob."
Regine Sampani
ABM2
"Ang kagandahan ng isang tao ay makikita mo sa paggising niya sa umaga. Walang kolorete, pulbos o mga pampaganda ang nakalagay sa kanyang pagmumukha. Hindi pa dumadaloy sa kanyang buong pagkatao ang mga problemang kanyang tatahikin subalit makikita mo ang malambing niyang mukha na handa na namang lumaban sa mga pagsubok niya sa buhay."
Toni Rhys Arguelles
ABM2
"Ang kagandahan ng isang tao ay makikita sa kung paano niya dalhin ang sarili niya sa pangaraw-araw na buhay niya at sa kung paano siya makitungo sa kapwa niya."
Daisy Mae Pamaranco
ABM2
"Ang kagandahan ay hindi lang nakabasi sa panlabas na anyo ng isang tao kundi sa panloob nito. Dahil ang tunay na ganda ay ang pagiging totoo mo sa iyong sarili, hindi ang pagpapanggap para magustuhan ng iba o kapwa."
Ann Concepcion
ABM2
"Para sa akin, ang kagandahan ay nakikita sa kalooban ng isang tao na sinisimbolo ng isang purong ngiti na masisilayan sa kanyang mukha at mga mata."
Cen Hera Ada Lagumbay
ABM2
"Para sa akin, ang kagandahan ay ang pagkakaroon ng maaalahanin, mapag-unawa at higit sa lahat, mapagmahal na puso. Ito rin ay ang pagiging kontento, mapagpasalamat at pagiging masaya sa ano mang bagay na mayroon ka."
Maridelle Cadutdut
ABM2
"Ang pagiging maganda ay hindi nakikita sa pisikal na anyo, kundi sa panloob na anyo."
May Anne Logo
ABM2
"Ang kagandahan ay hindi lamang sa panlabas na kaanyuan kundi makikita rin sa tunay na pagkatao ng isang tao."
Shaina Magadan
ABM2
"Ang kagandahan ay hindi nakikita sa labas na kaanyuan, hindi sa mapupulang labi o sa makulay na mukha. Ang kagandahan ay nasa ugali, sa puso, kung paano ka makitungo sa ibang tao."
Joshua Zabala
ABM2
"Ang kagandahan ay may maraming sukatan. Ang ibang tao ay ang panlabas na kagandahan lamang pinapansin at tinitingnan. Pero para sa akin ang tunay na kagandahan ay nasa kagandahan ng ugali at kabutihan ng loob. Ang tunay na maganda ay may mabuting mithiin. Yan lamang po."
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)